-- Advertisements --
Nakabalik na sa Turin, Italy si football star Cristiano Ronaldo matapos na ito ay magpositibo sa coronavirus.
Ayon sa Juventus football club, isinakay ito sa isa isang private air ambulance mula sa Portugal.
Aprubado ng mga health authorities ang ginawang pagbawi ni Ronaldo kung saan agad itong mag-iisolate ng sarili pagdating sa Italy.
Babantayan naman ng Italian health officials ang kalagayan ni Ronaldo kung nasunod ba ang isolation process.
Magugunitang nagpositibo sa COVID-19 ang 35-anyos na si Ronaldo kahit na ito ay walang sintomas.
Naglaro ito sa Portugal laban sa France noong Nations League nitong Linggo at laban sa Spain bilang friendly game noong nakaraang linggo.
Nagnegatibo naman sa covid-19 ang mga nakasama nito sa koponan.