-- Advertisements --

Kinilala ng Guinness World Record si football star Cristiano Ronaldo bilang most goals scored sa internationa soccer matches.

Naabot nito ang record sa pinahuling panalo ng Portugal laban sa Ireland nitong Setyembre 1 na ginanap sa Algarve Stadium sa Portugal.

Sa pagitan kasi ng taong 1993 at 2006 ay kaparehas niya ng score ang football star ng Iran na si Ali Daei na mayroong 109 goals.

Matapos ang laban noon sa Ireland ay nahigitan nito ang record na 111 goals.

Sa kabuuang 134 goals ay hawak din nito ang most Champions League goals, ganun dina ng most goals sa UEAFA Champions League season by an individual at most goals scored sa UEFA European Championships kabilang ang qualifying matches.

Itinuturing rin siyang highest-rated player sa FIFA 18 na mayroong 99% mataas pa ng 1 percent kina Lionel Messi at Pele.

Naging aktibo rin ito sa social media na siya ang mayroong maraming followers sa Twitter at atletang most followed sa Instagram.