-- Advertisements --

Panibagong record na naman ang naitala ng football star na si Cristiano Ronaldo.

Umabot na kasi sa kabuuang isang bilyon ang kaniyang followers sa kaniyang iba’t-ibang social media accounts.

Ang nasabing bilang ay mula sa lahat ng kaniyang social media accounts.

Itinuturing na siya lamang ang unang katao na nakaabot ng nasabing bilang.

Ikinukumpara naman siya ng kaniyang mahigpit na katunggali na si Argentinian star Lionel Messi na mayroong mahigit 623 milyon na followers sa lahat ng kaniyang social media accounts.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay nagbukas si Ronaldo ng kaniyang YouTube Channel kung saan sa loob lamang ng isang linggo ay pumalo na sa mahigit 50 milyon ang kaniyang followers.