-- Advertisements --

Panibagong record ngayon ang hawak ng football star na si Cristiano Ronaldo.

Mula kasi ng ilunsad niya ang kaniyang sariling YouTube channel nitong Miyerkules ay nakakuha agad ito ng isang milyong subscribers sa loob ng 90 minuto.

Itinuturing na siya na ang may pinakamabilis na channel na nakakuha ng 1 milyon subscribers.

Nagpost agad ito ng 19 na videos sa channels tungkol sa kaniyang sarili at sa pamilya.

Sa social media account naman nito ay nagpost ang 39-anyos na Portugal player na hawak ang gold “play button” plaque mula sa YouTube dahil sa paglagpas ng 1 milyong subscribers.

Sa kasalukuyan ay mayroon na itong 15.4 milyon subscribers at ito ay tumataas pa.

Bukod pa sa YouTube ay mayroon na rin itong 170 milyon followers sa Facebook, 112.6-M sa X at 636-M sa Instagram.