Muli na namang nagpositibo sa coronavirus ang football star na si Cristiano Ronaldo.
Dahil dito ay hindi siya makakasama sa laro ng kaniyang koponan na Juventus laban sa Barcelona na pinangununahan ni Lionel Messi sa susunod na Linggo.
Bago kasi makasali ang isang manlalaro sa football match sa Europe ay dapat mag-negatibo ito sa COVID-19 isang linggo bago ang laro.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay nagpositibo na ito na nagbunsod sa hindi niya paglahok sa nasabing laro.
Dahil sa pangyayari ay kailangan pa nito na mag-isolate ng isang linggo para tuluyang magnegatibo na ito sa virus.
Si Ronaldo ay nasa pang-apat na puwesto ng Forbes richest celebrity 100 at siya lamang ang unang soccer player sa kasaysayan na kumita ng $1billion.
Noong 2019 lamang ay mayroong malinis na kita ito sa mga endorsement ng mahigit $100-M.