-- Advertisements --

Nagtala ng all-time FIFA record si Manchester United superstar Cristiano Ronaldo matapos maitala nito ang kaniyang 806th career goal sa Old Trafford.

Dahil dito ay nabasag nito ang all-time record para sa most goals sa competitive matches sa kasaysayan ng men’s football.

Ito ang pangalawa sa tatlong goals ng Portuguese attacker ng talunin nila ang Tottenham Hotspur F.C. sa score na 3-2.

Mayroon na itong kabuuang 807 total career goals kung saan nalampasan nito ang 805 goals na ginawa noon ni Josef Bican.