-- Advertisements --

Nagpositibo sa coronavirus ang football star na si Cristiano Ronaldo.

Ayon sa Portuguese Football Federation, walang anumang sintomas ito ng virus at ito ay naka-isolate na ngayon.

Nakapaglaro pa ang 35-anyos na Juventus forward labans a France sa Nations League nitong Linggo at friendly game naman sa Spain noong nakaraang linggo.

Dahil dito ay hindi na siya makakapaglaro sa laban ng kaniyang koponan sa Sweden sa Nations League.