-- Advertisements --
Plano ng mga Korean soccer fans na magsampa ng kaso laban sa football star Cristiano Ronaldo.
Ito ay matapos na bigong maglaro sa friendly match sa pagitan ng Juventus FC mula sa Turin, Italay ang team K League.
Bukod sa nasabing football player ay isasamang samapahan ng kaso ang organizer ng football match.
Sa nasabing laro sa World Cup Stadium sa western Seoul ay hindi naglaro ang 34-anyos na football star at nanatili lamang ito sa bench na pinanood ang mga kasamahan.
Huling nagsilayan kasi sa South Korea si Ronaldo 12-taon na ang nakakalipas.
Hindi rin dumalo si Ronaldo sa itinakdang fan signing event na labis na ikinadismaya ng mga fans.