Nanguna si football star Cristiano Ronaldo sa highest paid athlete ng 2024.
Base sa datos ng Sportico, na mayroong $260 milyon itong kita subalit sa nasabing listahan ay walang mga babaeng atleta na nakapasok sa top 100.
Nagmula ang kabuuang kita nito mula sa $215-M na sahod at panalo sa Al-Nassr sa Saudi Arabia at sa Portugal national team.
Mayroon din itong kita mula sa kaniyang on-field endorsement na nagkakahalaga ng $45-M.
Noong nakaraang taon ay siya ang unang tao na nagtala ng 900 career goals at mula ng lumipat sa Saudi Arabia ay nagtala ng 82 goals sa 90 na laro.
Pumagalawa naman sa listahan si NBA star Stephen Curry na mayroong estimate na $153.8 milyon na kita kung saan $53.8-M ay mula sa sahod/ winnings habang $100-M naman ay mula sa mga endorsements.
Nasa pangatlong puwesto naman si British boxer Tyson Fury na mayroong estimate na kita na $147-m kung saan $140-M mula sa sahod/ winnings at $7-M naman sa endorsements.
Pang-apat naman puwesto si Lionel Messi na mayroong $135-M na estimated na kita kung saan $60-M dito ay mula sa sahod/ winnings at $75-M sa mga endorsement.
Habang pang-limang puwesto na si Los Angeles Lakers star LeBron James na mayroong estimate na $133-M kung saan $48.2-M dito ay mula sahod/ winnings at $85-M naman sa endorsement.
Nangibabaw naman si Dallas Cowboys quarterback Dak Prescott sa highest earning player ng NFL na nasa pang-12 na puwesto kung saan mayroong kita na $100.4-M.