-- Advertisements --
Pumanaw na ang soccer star na si Joe Thompson sa edad na 36.
Kinumpirma ng asawa nitong si Chantelle, kung saan ang dahilan ay ang matagal ng pakikipaglaban sa cancer.
Dagdag pa nito na hindi na niya nakayanan ang paglaban kung saan ginawa umano nito ang lahat ng makakaya para gumaling.
Ito na umano ang pangatlong pakikipaglaban niya sa sakit dahil dalawang beses nitong nalabanan ang Hodgkin’s lymphoma.
Taong 1998 ng magsimula ito ng maglaro ng soccer sa Manchester United youth team.
Naging professional player na siya noong 2006 at naglaro sa iba’t-ibang koponan kabilang ang Carlisle United at Rochdale.
Nagretiro na ito sa paglalaro noong 2019 at naging ambassador role sa United.