-- Advertisements --
Interesadong makapaglaro sa 2020 Tokyo Olympics at 2020 European Championship si football star Kylian Mbappe.
Ito ay matapos na ma-qualified ang France sa Olympic tournament ng makaabot sila sa semifinals sa European Under-21 Championship.
Bagamat hindi pa nakapaglaro sa under-21 ang Paris Saint-Germain striker ay pasok naman ito sa Olympic squad.
Sinabi naman ni French soccer federation president Noel Le Graet na ipapaubaya na laman niya kay coach Sylvain Ripoll ang desisyon kung isasama sa kanilang koponan si Mbappe.