-- Advertisements --

Liliban muna pansamantala sa French national team ang football star na si Kylian Mbappe makaraang magpositibo ito sa COVID-19.

Sa anunsyo ng koponan, sumailalim si Mbappe sa test kahapon kung saan napag-alaman na dinapuan ito ng virus.

Agad namang in-isolate si Mbappe sa French national team na nakatakdang humarap sa koponan ng Croatia sa Nations League.

Ang 21-anyos na striker ang ikapitong player ng Paris Saint-Germain na nagpositibo sa sakit nitong mga nakalipas na linggo.

Noong nakalipas na linggo nang lumabas ang ulat na nagpositibo sa COVID-19 ang Brazilian superstar na si Neymar.