-- Advertisements --
Napili ng Time magazine bilang “Athlete of the Year” ang football star na si Lionel Messi.
Ang Argentine superstar ay may malaking impluwensiya sa American Sports matapos na lumipat ito sa Inter Miami ng Major League Soccers.
Magugunitang noong Hulyo ay lumipat ang 36-anyos na si Messi sa Miami matapos ang paglalaro niya sa Paris Saint-Germain.
Una rito ay nakuha ni Messi ang ika-walo nitong Ballon d’Or award.
Natapos ni Messi ang kampanya na may 11 goals sa 14 appearance.