-- Advertisements --
Tinanggihan na kausapin ni Paris Saint-Germain striker Kylian Mbappe ang mga opisyal ng Al Hilal, ang Saudi Arabia football team na nag-alok ng $333-milyon sa kaniya.
Ayon sa kampo nito na hindi na niya hinarap ang nasabing mga opisyal na nagtungo pa sa Paris.
Nasa Paris ang nasabing grupo para maisapinal ang paglipat ng Zenit Saint Petersburg sa Brazilian Malcom.
Una ng nabigyan ng PSG ang Riyadh-based na Al Hilal na magkaroon ng bukas na pag-uusap kay Mbappe kahit na hindi ito nagkaroon ng interest na makausap ang mga ito.