-- Advertisements --

Pumirma ng bagong kontrata sa Liverpool ang football star na si Mohamed Salah.

Nakatakda na kasing magtapos sa susunod na buwan ang kontrata ng Egyptian forwards.

Hindi naman binanggit ng koponan kung magkano ang halaga ng dalawang-taon na pagrerenew ng kontrata ni Salah.

Sa loob ng siyam na season ay nagtala si Salah ng 32 goals sa loob ng 45 laro.

Taong 2017 ng kinuha ng Liverpool ang 32-anyos na si Salah mula sa koponang AS Roma.

Labis naman na ikinatuwa ni Salah ang muling pagkuha sa kaniya ng koponan kung saan tiniyak niya na kakasabikan siya ng mga fans.