-- Advertisements --
Mo Salah 2
Mo Salah/ IG post

Nasa mabuting kalagayan na ngayon si football star Mo Salah matapos na magtamo ng injury sa ulo.

Natamo nito ng makabangga niya si goalkeeper Martin Dubravka sa 73rd minute ng manalo ang Liverpool kontra Newcastle United sa English Premier League.

Dahil sa insidente ay agad na inilabas ang Egyptian football star lulan ng stretcher.

Ayon naman sa kaniyang manager na si Jurgen Klopp na kanilang hihintayin ang payo ng kaniyang doktor bago ito payagang makapaglaro ng second leg ng Champions League semifinals kung saan makakaharap nila ang Barcelona.