-- Advertisements --
Nagpositibo sa coronavirus ang football star na si Neymar.
Isa siya sa tatlong Paris Saint-Germain players na nadapuan ng virus matapos ang Champions League.
Ayon sa koponan, agad silang isinailalim sa isolation.
Kinilala naman ang kasama ni Neymar, 28, na sina Angel Di Maria at Leandro Paredes.
Patuloy din ang gagawin nilang pagsasailalim sa COVID-19 test sa mga staff at manlalaro ng koponan.
Sinasabing nahawa ang mga manlalaro sa holiday trip sa Spanish Mediterranean island na Ibiza matapos ang pagkatalo nila sa Bayern Munich sa katatapos na Champions League.
Ang Brazilian professional footballer ay kinilala noong nakaraang taon ng Forbes bilang “world’s third highest-paid athlete.”