-- Advertisements --
Neymar
Neymar/ IG post

Pinatawan ng three matches ban mula ng UEFA si Paris Saint Germain striker Neymar.

Kasunod ito ng ginawa niyang pagbatikos sa mga game officials ng sila ay talunin ng Manchester United noong Marso.

Ikinagalit kasi ni Neymar ang last minute penalty na ipinataw sa United gamit ang Video Assistant Referee (VAR) system.

Ang tinaguriang most expensive footballer ay kakabalik lamang sa paglalaro matapos ang pagdanas nito ng metatarsal injury.