-- Advertisements --

Pinatawan ng two-match ban si Paris Saint-Germain forward Neymar.

Ito ay dahil sa red card na kaniyang natanggap ng talunin sila ng Marseille.

Nangyari ang insidente ng magkaalitan sila ng striker ng Marseille na si Alvaro Gonzalez sa Le Classique.

Bukod kay Neymar ay pinatawan din ng anim at dalawang game bans ang teammates nito na si Layvin Kurzawa at Leandro Paredes habang one -game ban naman ang ipinataw kay Dario Benedetto at three-game ban naman kay Jordan Amavi ng Marseile.

Iniimbestigahan na rin ng Ligue de Football Professional (LFP) ang French football’s governing body sa pahayag ni Neymar na tinarget siya ng racist slur sa kasagsagan ng French champions ng sila ay matalo 1-0.