-- Advertisements --

Plano pa rin na bumalik sa paglalaro ng football si Paul Pogba matapos ang suspension dahil sa pagpositibo sa ipinagbabawal na substance.

Ang Juventus star ay pinatawan ng apat na taon suspension noong Pebero kasunod ng pagpositibo ng iligal substance noong Agosto 2023.

Noong Setyembre naman ng nakaraang taon ay sinuspendi na ng National Anti-doping Tribunal sa Italy si Pogba.

Base kasi sa ulatng NADO na nakita nila ang pagtaas ng testosterone na ginagamit sa pagiging malakas ng isang atleta.

Isinagawa ang nasabing testing noong talunin ng Juventus ang Udinese 3-0.

Sinabi naman ng 31-anyos na soccer star na hindi ito mandaraya at alam ng mga fans nito ang totoong pangyayari.

Hindi siya marunong mandaya at ito aniya ay resonsableng manlalaro