-- Advertisements --

Nakauwi na sa kaniyang tahanan si Brazilian football legend Pele matapos na tanggalin ang tumor nito sa colon.

Ayon sa Albert Einstein Hospital na nasa mabuting kondisyon na ang pasyenteng si Pele o Edson Arantes do Nascimento sa tunay na buhay.

Sa kaniyang social media sinabi nito na masaya ito dahil sa paglabas na niya sa pagamutan.

Nakita ang tumor ng sumailalim ito sa check up kaya minabuti ng mga doctor na ito ay operahan noong Agosto 31.

Mula pa kasi noong nakaraang mga taon ay labas pasok na sa pagamutan ang 80-anyos na football player dahil sa hindi na binanggit na karamdaman.

Siya ang itinuturing na football player sa buong mundo na nanalo ng tatlong World Cup noong 1958, 1962 at 1970.