Inalok ng Saudi football team na Al-Hilal ng tumataginting na 300Million Euro ang Football superstar na si Kylian Mbappe para lamang maglaro sa nasabing koponan.
Inisyal kasing target ng nasabing football team si Lionel Messi ngunit pinilini Messi na maglaro sa isang football team sa US.
Una na ring kinumpirma ng kasalukuyang club ni Mbappe ang nasabing alok, at pinayagan naman ng management na magkaroon ng negosasyon sa pagitan ng Al-Hilal at ng agent ni Mbappe.
Kung mangyayari ito, si Mbappe na ang magiging highest paid superstar sa mundo ng football.
Mas mataas ito kumpara sa $262million na unang pinirmahan ni Neymar noong 2017.
Maalalang nitong nakalipas na taon ay unang pumirma ang isa pang football superstar na si Christiano Ronaldo sa isang Saudi football club.
Si Mbappe na ang ikalawang superstar na pipirma sa isang kontrata sa ilalim ng Saudi.