-- Advertisements --

Inaresto ng mga kapulisan sa Madrid, Spain ang national football team captain ng Peru na si Pedro Gallese.

Nagkaroon umano ito ng alitan sa mga kapulisan sa labas ng hotel kung saan ito tumutuloy.

Pansamantalang itong ikinulong at pinakawalan din matapos ang ilang oras.

Dinagsa kasi ng mga fans ng Peruvian football team ang kinaroroonan nilang hotel para magbigay ng suporta sa gaganaping friendly game nila kontra Morocco.

Sa alegasyon ng isang pulis ay pinagtutulak siya ni Gallese at sinuntok umano kaya ito ay kanilang inaresto.