-- Advertisements --

Nabigo ang Philippine men’s national football team sa Iraq 1-0 sa pagsisimula ng 2026 FIFA World Cup Qualifiers na ginanap sa Basra.

Ayon sa Philippine Football Federation na isang masakit na pangyayari ang pagkatalo nila sa Iraq.

Mula sa simula ay naging mahigpit ang pagbabantay ng Iraq kaya hindi nagawang makapag-goal ang national football team ng bansa.

Gaganapin naman sa Rizal Memorial Stadium ang susunod na laban ng dalawa sa darating na Marso 26.