-- Advertisements --

Pinahiya ng Philippine men’s national football team ang Maldives 4-1 sa third round ng AFC Asian Cup 2027 Qualifiers.

Unang nakapagtala ng goal si Jefferson Tabinas na kaniyang naipasok sa loob ng 15 minuto sa laro na ginanap sa New Clark City Athletics Stadium sa Capas, Tarlac.

Pagkataos ng ilang minuto ay naipasok ni Bjorn Kristensen para makuha ng Pilipinas ang 2-0 na kalamangan sa pagtatapos ng first half.

Pagpasok ng second half ay naipasok ni Ali Fasir ng Maldives ang goal sa loob ng 62 minuto para makuha ang 2-1.

Sa mga sumunod na minuto ay naipasok ni Randy Schneider sa loob ng 77 minuto para makuha ang 3-1 at sa ika-92 minuto ay naipasok ni Sandro Reyes ang huling goal at maiselyo sa 4-1 ang laro.

Hawak na ng Pilipinas ang 1-0 na kalamangan sa Group A kung saan susunod na makakaharap nila ang Tajikistan, Timor-Leste sa double-round robin.