-- Advertisements --

Naging masaklap ang pagkatalo ng men’s football team ng bansa matapos na tambakan sila ng Iraq 5-0.

Ito na ang pangalawang sunod na talo ng football team ng bansa kung saan ngayon ay ginanap sa home court ng football team ng bansa sa Rizal Memorial Stadium.

Unang nagtala ng goal si Aymen Hussein sa pamamagitan ng penalty shot sa loob ng 14 minuto.

Sinundan pa ng dalawang goal sa first half sa pamamagitan ni Amir Al-Ammari.

Pagpasok ng second half sa 30th minuto ay magkasunod na nakapasok ang goal nina Manchester United player Zidane Iqbal at Zaid Tasheen

Nasa huling puwesto ang men’s football team ng bansa na mayroong isang puntos matapos ang apat na laro.

Susunod na labang na men’s football team ng bansa ay sa buwan ng Hunyo para sa second round qualifiers laban sa Indonesia at Vietnam.