-- Advertisements --

ILOILO CITY- Naging matagumpay ang ginagawang community pantry sa Iloilo City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Sonnette Seville Daquita, isa sa mga organizer ng community pantry, sinabi nito na ang nasabing ideya ay hango sa Maginhawa community pantry sa Quezon City.

Ayon kay Daquita, napag-isipan ng Assumption Iloilo Football team and friends, na gumawa rin ng sariling version sa Iloilo City kung saan marami ang nag-ambag-ambag upang makabuo ng community pantry.

Ito ay inilagay sa Lapaz Plaza kung saan labis ang pasasalamat ng mga benefeciaries.

Umaasa naman si Daquita na magtutuloy-tuloy pa ang nasabing community pantry.