-- Advertisements --
Nakaamba na naman ang muling pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa ikalimang sunod na linggo.
Ayon sa mga taga-industriya, lolobo ng mula P0.50 hanggang P0.60 ang halaga ng kada litro ng diesel, gasolina, at kerosene.
Sinasabing ang dagdag-presyo ay dulot pa rin ng sunod-sunod na balita tungkol sa coronavirus disease (COVID-19) vaccine, gaya ng pagsimula ng paggamit ng bakuna laban dito sa United Kingdom, at emergency use approval sa United States at Canada.
Kung maaalala, nagkaroon ng bagsak-presyo sa langis dahil sa limitadong paggalaw ng tao dahil sa pandemya.