-- Advertisements --
Muli na namang nagbabadya ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa darating na linggo.
Batay sa ilang mga taga-industriya, papalo ng P0.75 hanggang P0.85 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel at gasolina.
Habang may umento namang P0.85 hanggang P0.95 sa kada litro ng kerosene.
Ito na ang ikaanim na sunod na linggo na nakapagtala ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Sinasabing ang panibagong oil price hike ay dulot ng mga development sa COVID-19 vaccine at pagtaas ng demand sa langis sa Asya.