-- Advertisements --
Inaasahang aaray na naman ang bulsa ng mga motorista sa panibagong oil price hike na nakaamba sa susunod na linggo.
Ayon sa mga oil industry sources, sisipa ng P0.65 hanggang P0.75 ang kada litro ng diesel.
May umento namang P0.65 hanggang P0.75 ang presyo ng kada litro ng gasolina.
Habang may dagdag namang P0.20 hanggang P0.30 sa kada litro ng kerosene.
Ito na ang ikapitong sunod na linggo na nakapagtala ang bansa ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Inaasahang sa Martes, Hunyo 23 ipatutupad ang panibagong oil price adjustment.