-- Advertisements --
Bb Pilipinas 1
Binibining Pilipinas/ FB image

“Indefinitely postponed” na ang coronation night ng 57th Binibining Pilipinas dahil sa krisis dulot ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Ayon sa Bb. Pilipinas Charities Inc. (BPCI), wala muna silang itinakdang petsa hanggang hindi pa tuluyang humuhupa ang deadly COVID-19.

Mahalaga anila na protektahan ang kalusugan ng mga kasali at organizers kaya minabuti nilang ipagpaliban na naman ito.

Una kasing itinakda noong Abril 26 ang nasabing coronation night, hanggang ito ay inilipat noong Mayo 31 subalit dahil pa rin sa ipinapatupad bunsod nang paghihigpit laban sa COVID-19.