Sentro ngayon ng mga diskusyon sa social media platforms ang umano’y cryptic o mahiwagang post ni Adrien Broner na nagpapahiwatig na magreretiro na raw ito sa boxing.
Sa kanyang Instagram account, nag-upload ng message ang dating four-weight world champion kaugnay ng kanyang pasya na isabit nang tuluyan ang kanyang boxing gloves.
Ito na ang ikalawang beses ngayong taon na nag-anunsyo si Broner na magreretiro na ito, at ikatlo naman sa kanyang boxing career.
Ayon kay Broner, tatalikuran na raw nito ang boxing na aniya’y isang “lonely sport.”
“I’m retiring,” saad ni Broner sa Instagram. “Boxing is a lonely sport. I’m done with this sh**. Give me a brick and let me turn it into 8 with some phyt.”
Huling sumabak sa isang boxing match si Broner noong Enero kung saan nakalasap ito ng pagkatalo sa kamay ni Pinoy legend Sen. Manny Pacquiao.
Ilan sa mga pinaretiro ni Pacquiao ang mga mga magagaling na boksingero tulad nila Ricky Hatton at Oscar de la Hoya.