ROXAS CITY – Sapilitan nang inilikas ang mga residente mula sa mga coastal areas sa dalawang bayan sa lalawigan ng Capiz dahil sa bagyong Tisoy.
Personal na pinangunahan ni Mayor Receliste Escolin ng bayan ng President Roxas, Capiz ang forced evacuation matapos isailalim na sa signal number 2 ang lalawigan.
Ayon kay Mayor Escolin na ipinatupad ang forced evacuation sa mga coastal barangays sa bayan ng President Roxas para masiguro ang kaligtasan ng mga residente.
Pansamantalang nakatira ngayon sa mga evacuation centers ang mga nagsilikas na mga residente.
Samantala nagpatupad rin ng forced evacuation sa mga coastal areas sa bayan ng Pilar, Capiz, matapos na ipinag-utos ni Mayor Arnold Perez ang paglikas sa mga residente.
Sa kabilang dako may naitalang 25 mga stranded passengers sa Banica wharf matapos na kanselahin ang biyahe ng mga sasakyang pandagat.