-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nagpatupad ng force evacuation ang pamahalaang lokal ng Roxas, Isabela dahil sa pagbaha dulot ng patuloy na pag-ulan na dala ng amihan.

Ito ay makaraang magpatupad ang pamahalaang lokal ng Roxas ng force evacuation sa Purok Uno ng brgy. Nuesa; Sitio Puragit ng barangay San Jose; barangay Rizal, at Sitio, Acacia,San Antonio dahil sa mga nararanasang pagbaha bunsod ng nagdaang bagyong Tisoy at epekto ng amihan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay MDRRM Officer Norman Ceasar Sinaban ng Roxas,Isabela, sinabi niya na katuwang nila sa pagpapatupad ng force evacuation ang mga kasapi ng PNP, BFP, at Dart Rescue 831 ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela.

Ang force evacuation ay ipinatupad sa Purok Uno ng brgy. Nuesa; Sitio Puragit ng barangay San Jose; barangay Rizal, at Sitio, Acacia,San Antonio dahil sa mga nararanasang pagbaha .

Aniya may ilang residente ang tumatangging lumikas dahil sa ayaw nilang iwanan ang kanilang mga bahay at mga alagang hayup kaya puwersahan silang inilikas.