VIGAN CITY – Nakahanda umanong ipatupad ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Ilocos Sur, katuwang ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang force evacuation sa ilang bahagi ng lalawigan kung kinakailangan.
Ito ay matapos na isa sa mga lugar na nasa ilalim ng tropical cyclone wind signal number 2 kagabi ang lalawigan ngunit naibaba na ito sa signal number 1 kaninang alas-5:00 ng umaga base sa pinakahuling forecast ng PAGASA.
Kaugnay pa nito, idineklara na ng provincial government sa pangunguna ni Governor Ryan Singson ang suspension of classes sa lahat ng lebel ng mga publiko at pribadong paaralan sa lalawigan, maging ang pasok sa opisina ng mga national government agency at line agency na nasa Ilocos Sur.
Samantala, ang suspension of work ng mga local government unit at private sector ay nakadepende sa mga alkalde.
Tiniyak naman ng PDRRMO na nakahanda ang lahat ng kanilang mga heavy equipments na kailangan sa pagresponde sa mga labis na maapektuhan ng bagyong Jenny.