LEGAZPI CITY – Magpapatupad na ngayong araw ng force pre-emptive evacuation sa mga coastal at Mount Bulusan unit area sa lalawigan ng Sorsogon dahil sa posibleng epekto ng bagyong Bising.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Dong Mendoza, tapagpagsalita ni Gov. Chiz Escudero, partikular na ipapatupad ang force pre-emptive evacuation sa mga bayan ng Prieto, Diaz, Gubat, Bulan, Sta. Magdalena, Bulusan, Barcelona at Matnog.
Inaasahan na rin ngayong araw ang pagpapalabas ng advisory kaugnay sa no sailing policy.
Inihahanda na rin ang mga barangay na iilakas malapit sa palibot ng bulkang Bulusan paritular na sa bayan na Irosin, Casiguran at Bulusan.
Binigyang diin ni Mendoza na mas mahalagang makapaghanda na ng maaga upang maiwasan ang anumang insidente base na rin sa karanasan sa sunod-sunod na bagyong tumama sa Bicol ng nakaraang taon.
Samantala mahigpit naman na nag-abiso ang Office of Civil Defense (OCD) Bicol na huwang ipagamit ang mga quarantine facility bilang evacuation center.