BUTUAN CITY – Ini-utos na ni Surigao del Sur Governor Alexander ‘Ayek’ Pimentel ang forced evacuation sa lahat ng kanilang mga local government units dahil sa malawakang mga pagbaha nga hatid ng walang humpay na ulan.
Sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni police provincial director Col. Dennis Siruno na mula sa pre-emptive evacuation nitong nakalipas na araw ay ipinatupad na ng gobernador ang forced evacuation matapos na inilagay ang lalawigan sa red rainfall warning.
Samantala kinumpirma din ng opisyal na may naitala ng patay sa kanilang lalawigan matapos tangayin ng tubig baha dakong alas-tres ng madaling araw sa may Purok Pinag-aralan 2, Brgy. Maitom sa Tandag City, ang 46-anyos na ginang na si Bernadith Bagnol Molina, residente sa nasabing lugar.
Isasalba sana ng biktima ang kanilang alagang baboy malapit sa ilog ngunit nadulas ito at tuluyan ng nahulog sa ilog at narekober na wala ng buhay dakong alas-nueve na ng umaga.