-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Ipinatupad na ng forced evacuation sa mga lugar sa Eastern Visayas na nakataas sa signal no. 1 dahil bagyong Odette.

Ayon kay Guiuan Eastern Samar Mayor Analiz Gonzales-Kwan sa ngayon ay nakahanda na sila sa posibleng epekto ng bagyo at nakastandby na rin ang kanilang rescue team.

Tatlong evacuation centers ang tinutuluyan sa ngayon ng mga inilikas na residente lalong lalo na mula sa mga low lying areas at mga island barangays sa kanilang bayan.

Samantala, sa lungsod naman ng Tacloban ay nag-abiso na rin si Mayor Alfred Romualdez sa mga nakatira sa mga coastal areas na mag-evacuate bago pa man itaas ang typhoon signal warning.

Nabatid na sa ngayon ay nakataas na ang signal no. 1 sa buong probinsya ng Samar, Eastern Samar, Northern Samar, Biliran, Leyte at Southern Leyte dahil sa nasabing bagyo.