Magkikita sa Maynila sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Indonesian Foreign Minister Retno Marsudi sa Enero 9, 2023.
Ayon sa DFA, ito ay para sa pagpupulong ng Ministerial Meeting ng 7th Philippines-Indonesia Joint Commission for Bilateral Cooperation (JCBC),
Ang bilateral cooperation ay ang pangunahing mekanismo ng pag-uusap sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia upang suriin ang mga nagawa sa mga inisyatiba sa pagtutulungan ng isa’t isa.
Gayundin na makipagpalitan ng mga pananaw sa mga isyu ng mutual interest, at isaalang-alang ang mga plano para sa pagpapahusay ng kooperasyon.
Inaasahan din na magpapalitan ng mga opinyon sina Manalo at Marsudi sa mga regional and international issues ng Pilipinas at ng Indonesia.
Ang Ministerial Meeting ay kasunod ng Senior Officials’ Meeting ng 7th Joint Commission for Bilateral Cooperation, na ipinatawag sa pamamagitan ng virtual format noong Abril 11 at 12, 2022.