Umabot sa US$15.5-billion ang mga pautang na ipinagkaloob ng Foreign Currency Deposit Units (FCDU) ng mga bangko.
Ito ay para sa katapusan ng Setyembre 2023, kung saan tumaas ng US$109 million o ng 0.7 porsiyento mula sa antas ng pagtatapos ng Hunyo 2023 na US$15.4-billion dahil ang mga disbursement na lumampas sa principal payment.
Taon-taon, ang natitirang mga pautang sa Foreign Currency Deposit Units ay bumababa ng humigit-kumulang US$164 million o ng 1.0% mula sa antas ng pagtatapos ng Setyembre 2022 na US$15.7 billion.
Hanggang sa katapusan ng Setyembre 2023, ang maturity profile ng foreign loan portfolio ay nanatiling nakararami sa medium-to long-term o mga babayaran sa loob ng isang termino na higit sa isang taon, na binubuo ng 77.6% ng kabuuan.
Ito ay bahagyang mas mababa kaysa 78.3% mula sa nakaraang quarter.
Ang mga pautang sa loan residents ay umabot sa US$9.4 billion o 60.6 porsiyento ng kabuuang natitirang mga pautang, kung saan ang karamihan ay napunta sa mga sumusunod na sektor o industriya:
–mga kumpanyang gumagawa ng kuryente (US$2.4 bilyon o 25.3 porsiyento);
–mga nagluluwas ng kalakal at serbisyo (US$2.3 bilyon o 24.5 porsiyento);
–at towing, tanker, trucking, forwarding, personal at iba pang industriya (US$1.3 bilyon o 13.5 porsyento).