Patuloy pa rin ang pagbuhos ng pagbati mula sa iba’t ibang dako ng mundo sa nakamit na kasaysayan ni Hidilyn Diaz upang ibigay sa Pilipinas ang unang gold medal sa Olympics.
Nanguna sa pagbati ang Olympic organizers at tinawag na nagtala ng bagong Olympic record si Hidilyn sa weightlifting upang ialay ang malaking karangalan para sa Pilipinas.
Maging ang US Embassy ay nagpaabot din ng papuri sa Pilipinas.
“@USEmbassyPH: Congratulations to Hidilyn Diaz for winning the Philippines its first ever gold medal at the Olympics! #Tokyo2020”
Ang top envoy ng Japan sa Pilipinas at sa iba pang dako ng mundo ay nakisaya rin sa mga Pilipino kaugnay sa bigay na regalo ni Diaz sa gitna ng matinding krisis na dala ng pandemya.
Kabilang pa sa bumati ay ang British Embassy sa Pilipinas.
“@ukinphilippines Congratulations to Hidilyn Diaz for winning the first-ever Olympic gold medal for the Philippines! Mabuhay! #Tokyo2020”
Ang Filipino community sa Japan sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Tokyo ay todo rin ang papuri kay Hidilyn sa kahanga-hanga nitong performance.