-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Tuluyan nang giniba ng Bureau of Internal Revenue o BIR ang mga kagamitan at makina sa paggawa ng pekeng sigarilyo na una nilang nakuha sa kanilang operasyon sa Tacloban City at nitong lungsod.

Sinaksihan ng mga representante ng BIR-NBI at CIDG ang pagsira ng limang malalaking makina at mga kontrabando kung saan una nila itong nakumpiska noong Mayo 2018 hanggang Agosto 2019.

Sinabi ni BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa na kasong sibil at kriminal ang kanilang isasampa labang sa mga may-ari ng mga nakakahong mga pekeng sigarilyo.

Kung maala-ala tatlong warehouse ang ni ronda ng BIR at NBI sa lungsod ng Cagayan de Oro at isa pang ware house na nirentahan ng tatlong Taiwanese sa Misamis Oriental.