Ibinunyag ng mga kapulisan sa Haiti na grupo ng foreign mercenaries ang pumaslang sa kanilang pangulo na si Jovenel Moise.
Umabot na kasi sa 28 mga foreign mercenaries kabilang ang isang retiradong sundalo ng Colombia ang kanilang naaresto bukod pa sa dalawang Haitian-Americans.
Una ng napatay ng mga kapulisan ang tatlong suspek habang mayroon pang walong iba pa ang kanilang pinaghahanap.
Nakuha sa mga suspeks ang ilang uri ng mga matataas na kalibre ng baril, passports at server na humahawak sa surveillance camera sa bahay ng pangulo.
Nanawagan naman si Haiti police chief Leon Charles sa kanilang mga mamamayan na huwag ilagay sa kanilang kamay ang batas.
Marami kasing mga mamamayan ng Haiti ang tumtulong na sa kapulisan para mabilis na matunton ang mga suspek.