-- Advertisements --
Nagbitiw sa kaniyang puwesto si Lebanon foreign minister Nassif Hitti dahil umano sa bigong magkaroon ng reporma.
Siya ang unang cabinet minister na umalis sa puwesto dahil sa krisis na nararanasan sa lugar.
Itinuturing na may malaking epekto ito sa pamumuno ni Prime Minister Hassan Diab na nagkukumahog para maimplementa ang reporma.
Paliwanag nito na nagtrabaho siya sa gobyerno ng Lebanon at kapag hindi nagkaisa at pakinggan ang hinaing ng mga tao ay babagsak ang gobyerno.
Naging prime minister ito sa puwesto noong Enero matapos na magretiro ang dating Prime Minister na si Saad Hariri dahil sa pressure mula sa nagsagawa ng kilos protesta.