-- Advertisements --
Nakatakdang bumisita sa bansa si Singaporean Foreign Minister Vivian Balakrishnan.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, na ang official visit ay magaganap mula Abril 15 hanggang 17, 2024.
Magkakaroon sila ng pulong ni DFA Secretary Enrique Manalo kung saan tatalakayin nila ang mahigpit na ugnayan ng Pilipinas at Singapore.
Sa nasabing tatlong araw na pagbisita ni Balakrishnan ay mapapalakas pa lalo ang ugnayan ng dalawang bansa.