Nakatakdang bumisita sa Pilipinas si Singapore Foreign Minister Vivian Balakrishnan para sa tatlong araw na official visit nito.
Layon ng kanyang pagbisita sa bansa na palakasin ang economic, security, at political cooperation ng kanilang bansa sa Pilipinas.
Ayon sa DFA, makikipagpulong ito sa kanyang counterpart na si Foreign Secretary Enrique Manalo.
Inaasahang tatalakayin ng dalawang lider ang pagpapalakas pa ng PH-SG relationship.
Kabilang na rito ang palitan ng regional at international developments views.
Sinabi pa ng DFA na ang pagbisita ni Balakrishnan ngayong Abril 15 hanggang 17 ay kasunod ng matagumpay na pagpupulong ng 6th Informal-Consultations on the Philippine-Singapore Action Plan (IC-PSAP) noong Pebrero 2024.
Huling bumisita si Balakrishnan sa Pilipinas noong Hunyo 13, 2017.
Sa loob ng mahigit limang dekada, ang Pilipinas at Singapore ay nagkaroon ng maraming aspeto na pakikipag-ugnayan sa mga larangan ng depensa at seguridad, kalakalan at pamumuhunan, at people-to-people exchanges.
Ang dalawang bansa, na kapwa founding member ng Association of South East Asian Nations (ASEAN), na magdiriwang ng ika-55 anibersaryo ng diplomatikong relasyon sa Mayo ngayong taon.