-- Advertisements --

Nakatakdang magpulong ang foreign ministers ng Russia at Ukraine.

Isasagawa ang pulong nina Russian Foreign Minister Sergei Lavrov at Ukraine Foreign Minister Dmytro Kuleba sa darating na Marso 10 sa Turkey.

Mismong si Turkish President Recep Tayyip Erdoğan ang nagsulong para sa pag-uusap ng dalawa.

Dadalo rin ang dalawang mga opisyal sa Antalya Diplomacy Forum kung saan ilan sa mga makikibahagi sa pulong sina North Atlantic Treaty Organization (NATO) chief Jens Stoltentberg at European Union foreign policy chief.