Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang babaeng African national sa NAIA matapos na gumamit ng pekeng visa
Sinubukan umanong umalis ng bansa ng naturang foreign national patungo sana sa Europa gamit ang pekeng Schengen visa.
Sa isang pahayag, sinabi ng ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na ito ay kinilalang si Binetou Dieng, 23 anyos.
Ito ay napigilang lumabas ng bansa sa departure area ng NAIA Terminal 1.
Ayon sa BI, sasakay sana ito sa isang flight patungong Taipei para makarating ito sa kanyang pakay na destinasyon na Milan, Italy.
Matapos na sumailalim sa secondary inspection ay nabuking ng mga tauhan ng BI na ang kanyang mga dokumento ay peke.
Sa ngayon ay namamalagi ito sa warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang pinoproseso ang kanyang deportasyon.
Isinama na rina ang kanyang pangalan sa blacklist ng BI para hindi na muling makapasok pa sa ating bansa.