-- Advertisements --
viber image 2023 07 15 11 31 59 971 1

Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang Polish national na wanted sa kanyang bansa dahil sa mga krimeng may kinalaman sa droga.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang pagkaka aresto kay Mateusz Lukasz Pluta, 27 years old sa San Juan , Siquijor ay pinangunahan mismo ng Fugitive Search Unit ng naturang ahensya.

Si Pluta ay naging pangunahing subject sa Mission Order na inisyu ni Tansingco matapos makatanggap ng impormasyon mula sa Philippine Center on Transnational Crime tungkol sa mga krimen na kinasasangkutan nito.

Ang naturang suspect ay pinaghahanap sa Poland dahil sa pagkalulong umano sa Droga , paglabag sa batas trapiko, at paglabag sa Polish penal code.
Pansamantalang nakapiit si Pluta sa San Juan Police Station bago ito ilipat sa BI Warden Facility sa Bicutan, Taguig.

Ayon kay Tansingco, nahaharap si Pluta sa summary deportation proceedings matapos ma-tag ng kanyang gobyerno bilang isang fugitive.

Matapos itong ma deport ay kaagad namang ibibilang ang kanyang pangalan sa Blacklist ng Immigration upang hindi na ito makapasok pang muli sa bansa.