-- Advertisements --
TACLOBAN CITY – Patay ang isang foreign national matapos malunod habang nagsu-surfing sa isang beach resort sa Barangay Umawas Lawaan, Eastern Samar.
Kinilala ang biktima na si Scott William Wesch, 56-anyos na taga-Nevada, USA at temporaryong nakatira sa Barangay 1 ng Lawaan, Eastern Samar
Ayon kay Pol. Maj. Aljo Mendiola, hepe ng Lawaan Municipal Police Station, lumalabas sa kanilang imbestigasyon na nakainom daw ang biktima kasama ang mga kaibigang dayuhan nang ma-out of balance ito at nawala na ito sa kanilang paningin.
Hindi na umano lumutang ang dayuhan kaya’t dali-dali nila itong hinanap.
Kalaunan ay nahanap nila ito pero wala nang buhay.
Kaagad ding dinala sa ospital ang biktima pero idineklara ito ng doktor na dead on arrival